HOME
DEMO FARM RESULTS
RESOURCES
LINKS
PALAYAMANAN
CONTACT US
ENGLISH TAGALOG CEBUANO ILUKO HILIGAYNON
QUESTIONS?  CHAT   WITH   US
FEEDBACK  SURVEY



Home Pamamahala ng Sustansiya
Increase Font Size Reset Font Size Decrease Font Size
Share
PDF Print option in slimbox / lytebox? (info) E-mail

KEY CHECK 5:

Sapat na sustansiya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak.


Ang tamang dami ng sustansiya mula sa pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak ay nakakasiguro ng mabuting pagtubo ng pananim, pag-uuhay, at pag-abot ng potensyal na ani.





Tandaan:

  • Ang labis na sustansiya ay nakakaakit sa mga pesteng kulisap at mas madaling kapitan ng sakit at nagreresulta sa mga halamang madaling dumapa, at iba pa.
  • Ang kakulangan sa sustansiya at ang paglalagay nito sa di tamang panahon ay maaaring makapagpabagal sa pagtubo ng mga halaman, makapagdulot ng kakaunting suwi, at magaang timbang ng butil.

Pagtataya ng Key Check

Walang kakulangan sa sustansiya at pagkalason (toxicity) mula sa pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak na maaring makapagpahina sa pagtubo, pagkabuo, at ani ng palay.

Sa yugto ng pamumulaklak, sikaping kamtin ang mga sumusunod:

LIPAT-TANIM:

  • hindi bababa sa 210 uhay kada metro kuwadrado sa sahod-ulan (rainfed lowland)
  • 300 uhay kada metro kuwadrado sa sakahang may patubig (irrigated lowland)

SABOG-TANIM:

  • 270 uhay kada metro kuwadrado sahod ulan; at
  • 350 uhay kada metro kuwadrado sa sakahang may patubig.

Upang tayahin ang dami ng uhay, pasumalang pumili ng tatlong sampling sites sa hiris na linya sa ibayo ng bukirin. Ang mga sampling sites ay dapat na hindi bababa sa 1 metro mula sa gilid ng pinitak. Bilangin ang mga uhay sa loob ng 1m x 1m parisukat na sampling site. Pagsama-samahin ang bilang ng dami ng mga uhay mula sa tatlong sampling sites at hatiin sa tatlo ang kabuuan upang makuha ang average o karaniwang dami ng uhay kada metro kuwadrado.

Mga Rekomendasyon upang makamit ang Key Check

Alamin at pamahalaan ang kinakailangang sustansiya ng iyong pananim base sa makukuhang impormasyon, pagtaya ng sustansiya at iba pang gamit sa pagpapasiya.

Ang tamang pamamahala ng mga sustansiya ay nakapagpapabuti sa paglaki at ani ng palay. Ito ay nangangahulugan ng pagbibigay ng tama at napapanahong sustansiya ayon sa kailangan ng pananim na palay.

Para sa nitroheno (N), pamahalaan ang pangangailangan sa N ng halaman base sa leaf color chat (LCC). Mula sa pagsusuwi hanggang sa maagang yugto ng pamumulaklak, maglagay ng abonong N (1.5 sako ng urea kada ektarya sa tag-init at 1 sako ng urea kada ektarya sa tag-ulan) kung ang basa sa LCC ay mababa sa 4 para sa lipat-tanim at mababasa sa 3 para sa sabog-tanim.

Para sa ibang sustansiya, tayahin ang kasapatan ng mga ito sa pamamagitan ng Minus-One Element Technique (MOET), Nutrient Omission Plot Technique (NOPT) at Soil Test Kit (STK). Maliban sa kakulangan sa sustansiya, isaalang-alang ang pagkalason dulot ng mga mineral sa pagpapasiya ng kung anong sustansiya ang ilalagay. Maaaring gamitin ang ibang soil fertility assessment methods sa pagtaya ng estado ng mga sustansiya sa lupa.

Magsagawa ng MOET 30 araw bago maglipat-tanim o sabog-tanim at tayahin ang status ng sustansiya base sa mga sintomas ng kakulangan ng sustansiya at sa paglaki ng palay.

Magsagawa ng Nutrient Omission Plot Test sa loob ng panahon ng pagtatanim (cropping season). Gumawa ng dalawang 5m x 5m nutrient omission plots (NOP) upang tayahin ang sumusunod: 1) ang indigenous na suplay ng posporo o IPS (may N at K ngnit walang P abono); at 2) indigenous na suplay ng Potasyo o IKS (May N at P ngunit walang K abono). Ang mga NOPs ay nakatutulong sa mga magsasaka na obserbahan ang kakulangang sustansiya lalo na kung Farmers’ Field Day.

  • Nitroheno

    Ang nitroheno ay:
    • nagpapatangkad sa palay,
    • nagpaparami ng suwi,
    • nagpapalapad ng dahon,
    • nakakapagparami ng butil sa bawat uhay,
    • nakapagtataas sa porsiyento ng butil na may laman o filled grains at taglay na protina ng mga butil.

    Gumamit ng LCC bawat 7 araw mula 14 araw matapos maglipat-tanim (APT) o 21 araw matapos magsabog-tanim (APS) hanggang sa maagang pamumulaklak. Kung ang 14-14-14-12S ay nailagay sa loob ng 0-14 APT o APS, ang pagbasa ng LCC ay magsisimula nang 21 APT o APS. Magsagawa ng di bababa sa 10 pagbasa at kung higit sa 5 sa 10 dahon ay may basa na bumababa sa kritikal na kuwenta, maglagay ng akmang dami ng abonong N depende sa panahon (tag-init o tag-ulan). Gumamit ng ammonium sulfate sa halip na urea sa mga lugar na kulang sa sulfur kung hindi nakapaglagay ng S sa unang paglalagay ng abono.

    Kung nagkaroon ng tagtuyo sa mga nasabing yugto ng paglaki, huwag maglagay ng abonong N. Subalit, ang abonong N ay maaring ilagay hanggang sa maagang  yugto ng pamumulaklak kung mayroong tubig. Sa mga lugar na bahain, ang paglalagay ng N ay hindi rekomendado kung ang pananim ay nakalubog sa tubig. Ang paglalagay ng N ay maaring ipagpatuloy kung ang taas ng tubig ay 20 sentimetro o mas mababa, ngunit ang paglalagay ng N ay maaari lamang isagawa hanggang sa pagbubuntis ng palay.

  • Posporo at potasyo

    Ang mga compound fertilizers (halimbawa, 14-14-14-12s, 16-20-0, atbp.) o single carrier fertilizers (0-18-0, 0-0-60) ay maaring gamitin upang punan ang mga kakulangan depende sa lokal na kalagayan ng lupa at klima, kalagayan ng pamamahala, target na ani, at pagkakaroon nito sa pamilihan.

    Ang abonong Posporo ay importante sa:

    • paghaba ng mga ugat,
    • pagsusuwi,
    • maagang pamumulaklak at paghihinog

    Ang mga palay na kulang sa P ay bansot at mababang bilang ng mga suwi na may manipis at mala-karayom na tangkay, at makitid, maikli, tirik, at matingkad na berdeng mga dahon.

    Ang potasyo naman ay:

    • nagpapabuti sa pagtubo ng ugat,
    • nakatutulong sa pagkaroon ng magandang bulas, at
    • nakatutulong laban sa pagdapa.

    Ang potasyo rin ay nakapagpapabuti sa resistensiya ng palay sa mga peste. Ang kakulangan sa K ay hindi madalas na nakikita dahil sa ang mga sintomas nito ay hindi madaling makilala di tulad ng kakulangan sa N, at ito ay lumalabas lamang sa mga huling yugto ng paglaki ng palay. Ang mga halamang kulang sa K ay may matingkad na berde na may dilaw sa gilid ng dahon at may mala-kapeng batik sa magugulang na mga dahon. Kalaunan, nag-iiba rin ang kulay ng mga batang dahon.

  • Sulfur

    Ang kakulangan sa sulfur ay madalas na napagkakamalang kakulangan sa N. Di tulad ng kakulangan sa N kung saan ang mga magulang na dahon ay unang apektado, ang kakulangan sa S ay nagreresulta sa paninilaw ng mga batang dahon, pagkabansot, kakaunting suwi, kakaunti at maiikling uhay, kakunting butil sa bawat uhay, at naantalang paggulang.
  • Zinc

    Ang kakulangan sa Zinc ay ang pinakakaraniwang problema ng micronutrients sa palay. Ang mga sintomas nito ay lumalabas sa loob ng 2-4 linggo matapos maglipat-tanim.

    Ang mga sintomas ng kakulangan ay:

    • malaalikabok na kulay-kayumangging mga batik sa magulang na mga dahon,
    • naninilaw na mga batang dahon sa puno at gitnang ugat ng dahon,
    • pagkabansot at hindi pantay na tubo ng palay, at
    • mga patse ng mga tundos na hindi naitanim nang mabuti.

    Ang mga halamang palay, sa kabilang banda, ay nakababawi sa mga sintomas matapos na ang pinitak ay naalisan ng tubig. Ang malubhang kakulangan sa Zinc ay nagreresulta sa kakaunting suwi at naaantalang paggulang.

Mga rekomendasyon sa pag-aabono

Soil Nutrient Status Wet Season Yield Target 5 t/ha Dry Season Yield Target 7 t/ha
P and K are not deficient First application:
3-3.5 bags 14-14-14-14-12S
First application:
4-4.5 bags 14-14-14-14-12S
P and K are deficient For fine-textured soil:
First application:
3-3.5 bags 14-14-14-14-12S +
0.5 bag 16-20-0 + 0.5 bag 0-0-60

For medium-textured soil:
First application:
3.5 bags 14-14-14-14-12S + 0.5 bag 16-20-0

At EPI:
0.5 bag 0-0-60
For fine-textured soil:
First application:
4-4.5 bags 14-14-14-14-12S +
1 bag 16-20-0 + 1 bag 0-0-60

For medium-textured soil:
First application:
4.5 bags 14-14-14-14-12S +
1 bag 16-20-0

At EPI:
1 bag 0-0-60
Only P is deficient First application:
3-3.5 bags 14-14-14-14-12S +
0.5 16-20-0
First application:
4-4.5 bags 14-14-14-14-12S +
1 bag 16-20-0
Only K is deficient For fine-textured soil:
First application:
3-3.5 bags 14-14-14-14-12S +
0.5 bag 0-0-60

For medium-textured soil:
First application:
3.5 bags 14-14-14-14-12S +
0.5 bag 0-0-60


At EPI:
0.5 bag 0-0-60
For fine-textured soil:
First application:
4-4.5 bags 14-14-14-14-12S +
1 bag 0-0-60

For medium-textured soil:
First application:
4.5 bags 14-14-14-14-12S + 0.5 bag 0-0-60


At EPI:
1 bag 0-0-60
 
  • RICE HANDOUTS
  • LEARNING MODULES
  • OTHER REFERENCES
  • VIDEOS
  • Pagkolekta ng Lupa para sa Soil Analysis
  • Paggawa ng Open Type Carbonizer
  • Minus One Element Technique (MOET)
  • MORE
  • Pamamahala ng Sustansya
  • Paggamit at Pagkwenta ng Pataba

  • IRRI: Site-Specific Nutrient Management
  • Technology Bulletins
  • KeyCheck 5 
  • Mga Pangunahing Sustansiya
  • Mga Mahahalagang Yugto sa Paglaki ng Palay
  • Pag-abono sa Panahon ng Pagsusuwi at Paglilihi
  • MORE
Department of Agriculture - Philippine Rice Research Institute • 0920-911-1398                                             Creative Commons License